Wednesday, February 01, 2006

Una


muli namang umihip sa akin
ang hangin ng pagiisa
liwanag kang dagling sumilaw
sa aking mga mata


linilingon, sinusundan
dumadalas ang minsan
ika'y naryan, abot tanaw
kahit walang dahilan


maiiwasan ba
ang bawat sandaling ika'y laman ng isip ko
(maiiwasan bang)
ngayo'y lilipas ng hindi kita nasisilayan
(magkamali sa'yo)
nararapat bang pigilan ang damdamin na
(maiiwasan bang)
lalong mahulog sa iyo


walang maitutulad sa sumpang iyong linikha
putulin man ang tali ay sadyang walang kawala


sa pagkaakit, at di paglapit
nananalangin, at umaasang


maiiwasan ba
ang bawat sandaling ika'y laman ng isip ko
(maiiwasan bang)
ngayo'y lilipas ng hindi kita nasisilayan
(magkamali sa'yo)
nararapat bang pigilan ang damdamin na
(maiiwasan bang)
lalong mahulog sa iyo


hindi padadala
hinding hindi padadala
hindi padadala