Wednesday, September 24, 2008

Dota VS. GF

Lolz.
Binasa ko post ni bibi sa multiply.
Dapat magrereact ako pero... haha...
...wala na pala ako multiply... hehe.

Aun. Dota vs. GF anong pipiliin mo...
san na ba un... aun... kasama nrin viole...t reactions ni bibi. hehe.

Si DOTA isa lang sa mundo

GF napakarami niyan

Si GF iiwan ka niyan

Si DOTA hindi

Si GF kadalasan nagagalit pgDODOTA ka

Si DOTA hindi nagagalit pagnakay GF

DOTA P20 lang masaya na

Si GF P200 baka di pa masaya

Pagnakikita ka ng ibang HERO hindi ngagalit si DOTA

Pero pagnakikita ka ng ibang babae nagagalit si GF

Si GF paginiwan mo mahirap makipagbalikan

Si DOTA pag iniwan mo handa ka pa din tanggapin

Alin mas gusto mo? DOTA o GF? Magisip ka na.

*ang masasabi ko lang, DOTA ba, fit para sa emotional needs mo? duh? you wont be able to cry on DOTA's shoulders kasi wala xang SHOULDERS!!! try mo lang tlga!!! haha...

ayan... violent... este violet nga. hehe.
hmm... from a girls point of view kc eh...
yung sa akin [or amin] naman...

- kung lalake nagpost yan... either gag* cya... oh niloloko lang nya sarili nya... which is gag* din cya... hehe.

- kung babae naman... hindi nyo nmn alam ang dhilan kung bkit dba? hehe...
well... the reason is [based on experience]...

Nung may gf ako kasi adik ako sa pc games. Kahit itanong mo sa kanya.
Hehe. Sasagot nya "Oo nga eh. Adik yun. Minsan di na nagpaparamdam sakin."
Ang nasasabi ko lang sa kanya is...

"Kaya ako naglalaro kasi nililibang ko lang yung sarili ko. Ayoko lang maramandaman na malungkot ako kasi hindi kita kasama. Ayoko rin masyado magisip ng kung ano ano kaya naglalaro nalang ako."


Ayun. Ayaw kasi ng babae na magisip ang mga lalake masyado. Ayaw din ng mga babae na nagdradrama sa kanila ang mga lalake keso di kasama, keso walang date, keso walang cheese...
... hehe. Ayun lang...

Mawawala din yung habit ng gaming kapag feel na nung lalake na lagi na sila may time sa isa't isa. Automatic na un eh. Nagdodota lang kami kapag walang babae. Kapag may babae, kawawa ang dota. Kapag walang babae, kawawa ang lalake. Haha. I mean kung walang interaction/communication ung 2 eh libang libang lang. It's just a way to let time fly. Kung wala din naman kasi sila eh di 'time wasted' din kaya sa dota nalang ituon ang oras na hindi naggagamit ng maaus.... pero dati un. hehe. bihira na ngaun. BIHIRA ah. ehehe. personally... nagdodota ako kapag frustrated ako sa skul. not about acads. yung mga chances na nasasayang.
ung mga times na hindi ko cya inaabutan. since hindi ko cya pwede habulin... magkukunwari nlng akong masaya tapos magdodota nalang... pero iba naman tlaga ang gusto kong gawin. haha.
'masochist' ika nga. yan din tawag skin ni GF eh. yan din tawag skin ni ..... *ehem*

Kung spending time naman eh... ang pinakagusto ko ngang time eh ung kausap ko siya ng kami lang. Tahimik yung lugar. Kayo lang 2. Kahit kung ano ano lang pagusapan nyo. Basta share lang. Kung lahat ng lalake eh nakakaranas ng ganun, I believe wala ng lalakeng magdodota. Hehe.
Un narin sasagot sa emotional needs namin. Konti lang siguro ang mga lalakeng iiyak sa babae.
Kapag umiyak sa inyo... depende na un. Hehe. Yung mga times din na hindi kayo magkasama ang iiiyak nun eh. Hehe. Well... depende parin. Hehe. Tsk. Daming specific instances. Hehe.

In short. Nagdodota AKO dahil nasayang ung chance na ispend ung time with that special person. Ayun. Ewan ko lang sa ibang mga lalake. Di naman kami pare pareho eh.

... eh kayo ba guys? Bat' ba kayo nagdodota?
:)


~

It's the choice I always take...
Though it's a choice I never ever wanted.

~


-Aron

No comments:

Post a Comment

Thanks for commenting!